Aso

Ano nga ba ang papel sa buhay natin ang ating mga alagang aso?

Hindi man sila tulad natin na marunong magsalita pero alam ko nakakaintindi sila.

Ako,may aso. At sa kanya ko naramdaman ang pagmamahal sa ibang lenguahe. Ang pagmamahal pala kahit walang salita mas makapangyarihan pa. Daig pa ang mga katagang ‘mahal kita’ na madalas natin naririnig. Ang aso, ihilig niya ang ulo niya sayo alam mo, ramdam mo, kahit di siya marunong magsalita, mahal ka niya…malamang higit pa sa buhay niya.

Maaring ang tao nga ang may pinakamataas na antas sa lahat ng nilalang pero minsan naiisip ko na nakakahigit pa ang aso sa atin.  Ika nga ‘action speaks louder than words’ diba? Tayong mga tao kadalasan puro words,walang action. Isa pa,masyado nating pinapakomplika sa buhay natin. Halos nilalamon tayo ng pride,competition, at materialismo. Ang aso,chill lang.

Isipin niyo mga kaibigan. Kung kaya ng mga asong mgpaka-chill, kaya din natin.  Di kailangang magpataasan ng ihi o laging maging tama.  Minsan, ang kailangan natin ay magbigay ng pagmamahal. Pamamahal na tulad ng aso ay walang hinihiging kapalit. At kasamaa ng pagmamahal na ito ay ang pakikipag-kapwa tao at pagpapakumbaba.

‘All the world needs now is love sweet love.’

Hanggang sa muli,
Bibz at Budoy,ang kanyang alagang aso

image